.helloDominique.
  • Food Diary
  • In Betweens
  • About
  • Travel
  • Coming Soon
Instagram
  • Food Diary
  • In Betweens
  • About
  • Travel
  • Coming Soon
436 Likes
749 Followers
Subscribe
.helloDominique.

Explore the mundane with me

.helloDominique.
  • Food Diary
  • In Betweens
  • About
  • Travel
  • Coming Soon
  • In Betweens

Sana Sa Susunod

  • February 11, 2020
  • No comments
  • 625 views
  • 2 minute read
  • Dominique
Sana sa Susunod
Total
0
Shares
0
0
0

Sana sa susunod magmahal ako ng bukas ang mata.
Tikom ang bibig at pilit sara ang tenga.
Nang makita ko lang ang mabuti at tunawin sa limot ang hindi.

Sana sa susunod
Malaman ko ang mga kiliti mo, mga bagay na nagpapasaya sayo
Sana masabi ko ang mga tamang salita, magawa ang mga bagay
na magpapatawa sayo hanggang panghabambuhay
Na tuwing maiisip mo ako, nangingiti ka sa alaala.

Sana sa susunod kaya ko ibigay ang lahat
ng maramdaman mo ang init ng nararamdaman ko
lalo na ng mga salitang di ko masambit
Maramdaman mo sana ang init ng pagkasabik sa yakap ng kamay at paa ko
At di ka na maghanap pa ng ibang braso na pupulupot sa mga bisig mo

Sana sa susunod maging maliwanag sayo ang utak ko, takot at saya ko
at maging maliwanag sa akin ang bawat kilos mo
Sana wag ka magsasawa sa taong sawa sa buhay
Nagmamakaawa ako, mahalin mo ako sa paraang bago araw-araw

Sa paraang malilimot ko na masama ang mundo
At manatili sakin na ang tagumpay ng pagiging buo kasama mo
Sana sa susunod wag mo akong talikuran
Wag mo akong isantabi sa lahat ng pagmamakaawa ko

Nagbabago rin ang naghihinagpis na loob, patawarin mo sana ako palagi sa mga bagay na di ko kaya pigilan sa sarili ko, sa mga galit ng loob at sariling mga pagkukulang. Bigyan mo ako ng lakas at pag ako ay bumuti, ibabalik ko at higit pa.
Pangako, mahal.

Sana sa susunod malaman mo na sa bawat kong pagtakbo, ako ay babalik at babalik sayo
At kahit gaano man kita kadalas takasan, ikaw lamang ang kayang magpakulong sakin, habambuhay.

Sana malaman mo na sa isang kulang na ako, ikaw lang ang kayang bumuo.
Wag kang mapagod mahal, ipagdadasal ko.
Dahil habang ipaglalaban mo ako, ipaglalaban ko ang sarili kong mabuo.

Sana sa susunod wag ka maniwala sa tadhana.

Wag ka sana mapagod sa isang kulang na ako.
Sasambitin ko yan araw-araw sa aking paggising.
Itatakda ko sa bato na habang andiyan ka, andiyan din ako.
Sana sa susunod di na ako ma-umay mahal.

Ibibigay ko sa iyo ang lahat iyak, tawa at sigawan, wag ka lang bibitaw.

Sana sa susunod makita na kita, kung sino ka man na bubuo sa akin na magpapasabi “ah, kaya pala hindi natupad ang pag-iisa sa mga nakaraan.”

Sana sa susunod sambitin mo sa akin di mga pangako pero kilos ng puso at kaluluwa na ako ay iyong buto, dugo at laman. Tayo ay iisa, Magpakailanman.

Sana sa susunod ay ikaw na nga mahal. Pagod na ako sa mga larong pambata
Sa mga utak na mapanglaro
Sa mga salitang mapanlinlang
At sa mga saradong pinto

Sana kung magpapakita sa akin, sana malaman ko.
Sana sa susunod ay di na ako mabulag ng takot, at hinagpis ng nakaraan
Kapag nakita kita, di na ako babalik pa.
Ipagpipilit ko ang init ng hidwaan kaysa ang lamig na kawalan ng taong mahal.

Buto, dugo at laman, Magpakailanman.

Total
0
Shares
Share 0
Tweet 0
Pin it 0
Dominique

Previous Article
  • In Betweens

Cheesecake

  • February 9, 2020
  • Dominique
View Post
Next Article
apak-blog-header
  • In Betweens

Apak

  • February 21, 2020
  • Dominique
View Post
You May Also Like
apak-blog-header
View Post
  • In Betweens

Apak

  • February 21, 2020
  • Dominique
View Post
  • In Betweens

Cheesecake

  • February 9, 2020
  • Dominique
View Post
  • In Betweens

Walls

  • February 9, 2020
  • Dominique
View Post
  • In Betweens

Multo

  • February 8, 2020
  • Dominique
hey-honey-header
View Post
  • In Betweens

Hey Honey

  • February 6, 2020
  • Dominique
how-to-cultivate-a-sense-of-purpose-header-image
View Post
  • In Betweens

How to Cultivate A Sense of Purpose

  • February 4, 2020
  • Dominique
View Post
  • In Betweens

In betweens: Taking charge and making change happen

  • December 25, 2018
  • Dominique
View Post
  • In Betweens

In betweens: Loose Threads

  • November 23, 2018
  • Dominique

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

looking for something?
Featured Posts
  • apak-blog-header 1
    Apak
    • February 21, 2020
  • Sana sa Susunod 2
    Sana Sa Susunod
    • February 11, 2020
  • 3
    Cheesecake
    • February 9, 2020
  • 4
    Walls
    • February 9, 2020
  • 5
    Multo
    • February 8, 2020
Recent Posts
  • hey-honey-header
    Hey Honey
    • February 6, 2020
  • how-to-cultivate-a-sense-of-purpose-header-image
    How to Cultivate A Sense of Purpose
    • February 4, 2020
  • How to get your Korean Visa Approved with an Unemployed Status
    • March 23, 2019
Author
Dominique

Subscribe

Subscribe now to our newsletter

hellodominique
  • Food Diary
  • In Betweens
  • About
  • Travel
  • Coming Soon
Explore the mundane with me

Input your search keywords and press Enter.